Sunday, November 14, 2010
Nakikisakay atbp.
Fame parasites, sometimes I see us Pinoys as fame parasites. Masyadong gutom ang mga pinoy sa world recognition, na sa bawat ugong na nagawa ni ganito at ni ganire, basta makabitan lang ng Filipino ang lahi, kahit pa 1/16th lang ang halo, aariin pa rin natin as atin, "we're so proud of you" ibabandila pa natin. Kamukat-mukat mo, di naman pala alam ng pinag mamalaki natin na may lahi pala siyang noypi, tapos kapag nalaman niya, at nakita niya sa mga social sites like twitter, facebook, friendster, myspace etc. at ipinagbandila pa sa TV Patrol, 24 Oras at mga local news, bigla siyang magkakaroon ng tv guestings and press conferences. Biglang magnified ang pagka-pinoy at na itsapwera na ang other 10 blood lineages (you get my point).
Come Charice na nagkaroon ng pagkakataong lumitaw sa palabas na Glee, at sa marami pang shows, samantalang dati virtual unknown lang, di rin pinapansin locally, eh nang magpakitang gilas sa isang korean TV show, biglang umugong ang pangalan. Salamat sa Youtube. "Go Charice, we're so proud of you!" now we are recognizing her, wow.
O si Manny, nakikisakay na naman tayo sa panalo niya. Pati ang nanay niyang si aling Dionesia, sikat na din. Only in the Philippines, Nakuha pang manalo yata sa pulitika at the same time. And of course TV shows. Sa kaganapang mga ganito, magaling ang mga local channels para makabangko sila ng malaking pera. Sikat eh, e di agawan sa mga personalidad na ito habang mainit pa ang pangalan. Bibigyan ng pelikula kahit parang mas magaling pang mag acting si bantay na na train mag "sit", "rollover" at "jump". Yung kamag-anak isinama na rin for comedy shows, kahit ang nakakatawa lang eh ang pagmumukha. So now, thinking about it, makikita mo ang quality ng nakikita mong palabas sa mga channels na ito. Titirik na lang ang mata mo.
Sa ibang issue...
And to set things straight lang, may iba pa akong nakikitang issue, na ramdam ko kahit wala ako sa Pinas ngayon. Madali raw tayo mainsulto, kasi konting kurot lang ngumangawa na tayo at sumisigaw ng foul. Well this is not always true. In the event of the actress na gumaya kuno sa accent ng pinoy, may pagkakataon siguro na di rin naman ako magre-react, pero in the context na tahasang pagtawanan, after the host made her imitate American, and then the British accent, both of which are predominantly English speaking, tapos yung sa Pinoy, and it's deliberate ha, siyempre, it will rub you the wrong way. Yung kay Claire Danes naman when asked about Manila, (I think she said it's a horrible place or whatever), totoo naman yun eh. Kahit saan ka pa mag-ikot, makikita mo basura nakatilapon sa kung saan-saan, mga umiihi sa daan, tingin ka sa manila bay, mga plastic bottles at kung anu-anong basura ang makikita mong lumulutang, mga pasaway na drivers, mga saksakan dito, nakawan duon, snatching at pickpocketing sa divisoria, etc etc.. Idi-deny pa ba natin yun? But that doesn't mean na US is a perfect place. Musta naman yun. Kung anung meron tayo, meron din sila. Pero ang punto, Claire was just stating what she observed. Period. And she answered it not make fun of us, but rather to state candidly how she felt.
to be continued...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment